The Noble Qur'an Encyclopedia
Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languagesDefrauding [Al-Mutaffifin] - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center
Surah Defrauding [Al-Mutaffifin] Ayah 36 Location Maccah Number 83
Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,
na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubus-lubos sila,
at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.
Hindi ba nakatitiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin
para sa isang araw na sukdulan,
sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang?
Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn.
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn?
Isang talaan na sinulatan.
Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,
na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas.
Walang nagpapasinungaling doon kundi ang bawat tagalabag na makasalanan.
Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān] ay nagsasabi siya: “Mga alamat ng mga sinauna!”
Aba’y hindi! Bagkus, nagmantsa sa mga puso nila ang [pagkakasalang] dati nilang nakakamit.
Aba’y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.
Pagkatapos tunay na sila ay talagang masusunog sa Impiyerno.
Pagkatapos sasabihin sa kanila: “Ito ay ang dati ninyong pinasisinungalingan.”
Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn.
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn?
Isang talaan na sinulatan,
Sasaksi rito ang mga [anghel na] inilapit [kay Allāh].
Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan,
habang nasa mga supa ay nakatingin [sa nagpapagalak sa kanila].
Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan.
Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid.
Ang pampinid nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan.
Ang lahok nito ay mula sa Tasnīm,[1]
isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit.
Tunay na ang mga nagpakasalarin ay dati sa mga sumampalataya tumatawa.
Kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila [bilang panunuya].
Kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro.
Kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: “Tunay na ang mga ito ay talagang mga ligaw.”
Hindi sila isinugo sa mga ito bilang mga tagapag-ingat.
Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya ay sa mga tagatangging sumampalataya tatawa
habang nasa mga supa ay nakatingin.[2]
Gagantimpalaan kaya ang mga tagatangging sumampalataya sa anumang dati nilang ginagawa?[3]